I NEED REAL HAPPINESS

Ang aking pangalan ay Carlos S, Garcia. Marami akong naging kaibigan dahil sa pagiging masayahin ko. Kapag kailangan ko ng tulong laging nandiyan ang aking kaibigan at pamilya. Lagi kong pinapasaya ang aking pamilya sa bawat oras na nakikita kong malungkot at nahihirapan sila. Sabay-sabay kaming magsimba tuwing linggo, pagkatapos kakain kami sa restawrant. Lahat ng sikreto ay alam nila at nasasabihan ko rin sila ng aking problema. Ngunit lahat ng iyun ay nagbago simula noong nagbago ang lahat sa aking buhay. Lagi na akong umiiyak sa bawat gabing dumaraan. Hindi ko na rin maramdaman ang biyaya sa buhay ko. Naramdaman kong wala ng gustong makipag kaibigan sa akin. Sa kadahilanang lahat sila’y lumalayo dahil talunan daw ako. Simula noon nawalan na ako ng tiwala para sa aking sarili. Lagi ko naring kinukumpara ang aking sarili mula sa ibang tao. Iniisip ko rin na hindi ako kasing lakas ng mga lalaki upang harapin ang mundo na mag-isa. Lagi rin akong ikinukumpara ng aking magulang mula sa aking mga kapatid. Dahil sila ay mayroong medal simula elementarya hanggang sekondarya. At ang pinakamasakit pa nagiging mabigat sa akin nung naging CUM LAUDE si kuya sa paaralang pinapasukan ko ngayon. Ngunit lahat iyun tinanggap ko hanggang sa nasaktan na ako dahil puro kamalian ang nakikita ng aking ina sa aking ginagawa. Gusto kong maibalik lahat ng mga araw na masaya ako. Sa panahon ngayon nararamdaman kong bayad ang aking kasayahan, at kung minsan hindi pa totoo. Dahil ayaw ko ng ipakita sa maraming tao na mahina ako.